Tuesday, September 23, 2014

Basura!

My last post got me to thinking.  Typhoon Mario caused floods in many areas.  While the cause of floods in areas such as the provinces are due to the rising rivers, the cause of most floods in Metro Manila is again the clogged drainage systems due to waste - plastics, styrofoams, etc. that are just thrown without a care.  Garbage or in tagalog "basura" causes floods.  Here's something I just wrote up to remind all of the simple act of just putting our waste in the the right place - the garbage container.


Picture c/o http://pananawpinoy.com/dagat-ng-basura/


Basura

Bata bata, huwag mong itapon
‘Yang basura kung saan-saan
At sigurado magiging dahilan
Ng pagbaha ng ating daan

Bata bata, pagkatapos mong kumain
‘Yang hawak mong balutan
Itapon sa maayos
Maghanap ng basurahan

Maliit man o malaki,
Kapag ‘yan ay naipon-ipon
Ay papasok sa kanal
Dadaloy sa ating mga ilog

Bata bata, huwag gayahin
‘Yang nakikita mong matanda
Na pagkatapos kumain,
Ginawa ng basura ang ating kalsada

Uy matanda! ‘Di ka na bata
Magbigay ka ng magandang halimbawa
May isip ka na, gamitin mo naman
Itapon ang basura sa tamang paraan

Mga bata't matanda, kahit sino ka man

Mayaman o mahirap, Pinoy o dayuhan
Igalang ang ating kapaligiran
Ang mundo nati'y mahalin at alagaan

2 comments:

Anonymous said...

Eileen, did you compose the Tagalog poem tungkol sa basura?

When we were kids, the nuns were consistent and clear about garbage. Para matapos ang recess, they'll ring the hand bell. It means all go around picking trash from the ground. The second ringing means fall in line and proceed back to your classroom.

Today, Eileen, ewan kung sino o ilan ang talagang making effort. Hindi dahil may anti-littering laws or bawal. Iyon bang those who consciously do not discard refuse anywhere. Or pag walang receptacle, would put wrappers, peelings, etc., in a bag to be disposed of properly later.

Pete

Eileen said...

Yes Pete that's my own composition. Paminsan-minsan, nagiging magtutula ako 'pag malakas ang emotions sa ibang issues. This problem isn't inclusive of the Philippines though. Mom tells me that the schoolyard in front of their house in SF is full of litter after the kids are done with their play.

Post a Comment