Sunday, August 31, 2014

Filipino - Wika ng Aking Lahi (In honor of Buwan ng Wika)

August is the month of our native language – Filipino. And though it’s the last day of August I’ll take this last minute chance to honor our language by blogging in Filipino.  Not an easy feat for me but one which I will endeavor in.  To my non-Filipino speaking readers please excuse this blog, maybe I’ll translate it in another post.

Hindi madali sa akin ang mag-tagalog o mag-Filipino. Kahit ako’y isang purong Pilipino, lumaki ako sa ibang bansa at doon nag-aral. Nahirapan akong matuto ulit ng salitang Filipino at kahit ngayon mas sanay ako sa wikang Ingles lalo na sa pagsulat at kahit sa pag-isip.

Marami pa rin dito sa Pilipinas na kahit hindi tumunton sa ibang bansa ay puro Ingles ang salita at pagdating sa araling Filipino sila’y nahihirapan.  Kaya’t marahil kami’y nagsasalita ng tagalog sa bahay pero may oras na nagsasalita ako ng Ingles o kaya Taglish.

Kapag kami’y nagsisimba madalas ay Ingles na misa ang aming pinupuntahan. Mas sanay pa rin ang tenga at isipan ko sa wikang ito.  Kapag Filipino ang misa, may mga salita na ‘di ko maintindihan at naiintindihan ko lamang kapag alam ko ang istorya na yun sa bibliya.  Pero may mga salita o pangungusap  na kapag narinig ko sa Filipino ay tunay na mas nararamdaman ko ang diwa ng wika.

Ang wikang Filipino ay ‘di naman mahirap pag-aralan.  Sabi ng iba mas mahirap pa nga ang salitang Ingles.  Totoo siguro at nagpapasalamat ako na meron akong dalawang wika na nagagamit at naiintindihan. May mga aralin ang mga anak ko sa kanilang silid-aralan na ‘di ko matulungan at pinapasa ko lamang sa aking asawa na mas sanay sa salitang Filipino.

Gusto ko tuloy pag-aralan ang mga hindi ko napag-aralan nung ako’y ka-edad nila. Katulad ng mga nobela ni Rizal na hindi ko napag-aralan.  Ang El FIlibusterismo at Noli Me Tangere ay dalawa sa mga gusto kong basahin at subukang intindihin.

Kahit ako’y ilang taon na naging dayuhan sa aking bansa, ako’y Filipinong tunay - sa puso’t isipan. Tinawag kong letsgopinoy itong blog na ito dahil naniniwala ako sa kakayanan ng Pilipino at gusto kong isaad ang mga karanasan ko dito sa aking bayan,  para matulungan ang ibang tao, Filipino man o dayuhan.

0 comments:

Post a Comment