Thursday, October 18, 2007

Treat Mo

Ang bilis maubos ang pera
Lalo na kung ikaw ay taya
Miss ko na ang KKB
Kanya-kanyang bayad
O kanya-kanyang baon

Dito madalas may “Mayor”
Yung may pera
O kaya yung may trabaho, may birthday
O kaya yung balikbayan

Nag-treat ang isang kakilala kong balikbayan
Daming nagpunta, daming pagkain
Sarap, sige, parang ‘di maubusan
Pasa ng plato dito, pasa ng plato doon
Hipon, pusit, sabaw at isda, may crispy pata pa

Aba, pagdating ng bill
Bakit ganito?
May dagdag na to-go???…

“Hindi kami nag-order ng take out,
Meron dalawang extra order ng crispy pata.”
Pero hindi sila nagkamali,
May nag-order nga!
Hindi isa, kundi dalawang bisita!

Hindi na-contento sa libreng tanghalian.
Nag-order ng kanilang libreng pang-hapunan!

0 comments:

Post a Comment